Monday, April 30, 2007

The HEAT is on!

"Shet sobrang inet! abot singet! shet!" -Kamikazee

"Its gettin hot in here (so hot)" -Nelly

"Hot, hot, hot, hot stuff " -Donna Summer


Ilan lang yan sa mga kantang may "hot" o "init" sa lyrics. Tama ang nabasa mo, init nga, at eto ang pangunahing problema ng Pilipinas ngayong summer. Hindi lang basta pangkaraniwang summer heat kung hindi napakatinding init na maaring magdulot ng pagkahilo, pagkahimatay at ng pagkakaroon ng heatstroke ng mga tao. Kung masarap lumakad at gumala, tiyak ko, marami na ring tinatamad lumabas ng bahay dahil na rin sa sobrang init ng panahon. Naisip ko nga, kawawa ang mga bahay na walang "aircon", at mas lalong kawawa ang mga pamilyang wala man lamang kuryente sa bahay nila. Isa ako sa mga taong, walang aircon sa bahay, kaya tiis tiis sa tatlong eletric fan (haha). Lahat umiinit, sinasabayan ang init ng panahon, tulad na lamang ng mga electronic appliances(tv,computer), kaya nga nababahala ako dahil delikado ang aking laptop(haha). Marami ding umiinit ang ulo dahil sa matinding init at sa kung anumang ikinaiinit ng ulo nila. Mainit na din ang labanan sa pulitika, POLITICAL MONSTERS WERE ALL OVER THE COUNTRY, at marami pang nagsisiinit dyan. Masarap nga magswimming ngayon, sa mga pools and beaches pero malas mo kung kapos ka sa pera, pero pwede pa rin naman, sa ilog, ayus!.

Naisip kong magsulat tungkol sa kainitan sa Pilipinas dahil gusto kong sabihin na talagang napakainit!(haha) at may nabasa rin akong article mula sa GreenPeace na tumatalakay sa climate change dito sa Pinas.


"Maps show RP on road to climate change catastrophe
Greenpeace demands urgent action as costs to threaten millions of Filipinos"





Manila, PHILIPPINES — The Philippines is on its way to a major climate change catastrophe--that is, unless the government takes urgent and ambitious action to avert a disaster that will put millions of Filipinos at risk. Greenpeace issued the warning today during the release of never-before seen maps that illustrate the extent of climate change impacts on the archipelago. The group additionally called for strong measures to mitigate the worst effects of climate change to help the country avoid certain disaster.

The maps accompanied the briefing paper "The Philippines: A Climate Hotspot" which gives an overview of how extreme weather events and sea level rise threaten the country’s people, economy, species, and ecosystems. Notably, the new Greenpeace report shows how: 1) only 1 of the 16 regions of the Philippines is not vulnerable to a one meter rise in sea level, 2) the regions and provinces most susceptible to sea level rise, extreme weather events, and landslides are also among those with the highest poverty incidence, and 3) the cost of the impacts of extreme weather events brought about by typhoons and increased rainfall, already in the hundred millions, is steadily rising.The paper was released ahead of the conclusion of the Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) meeting in Brussels this week which updates its assessment of the global impacts of climate change this Friday.


Read the full article and view the maps, please visit:FULL ARTICLE



Ayun, kahit mainit ang panahon, cool and easy lang tayo mga chong, wag ng isabay ang init ng ulo! PEACE!

Wednesday, April 04, 2007

Ang isa ko pang hilig

Meron akong bagong pinagkakaabalahan ngayon, ito ay ang Photography. Gamit ang isang simpleng digicam, natutuhan kong sumilip sa viewfinder at matyempuhan ang ganda ng subject ko. Gusto kong maimprove pa ang pagkuha ko ng mga litrato. Siguro'y pag lumaon, hindi lang hobby ang tingin ko dito, kundi isang side profession. Masarap kumuha ng mga litrato, lalo pag nakita mo na ang outcome ng kinunan mo at mas masarap kung maaappreciate ito ng ibang nakakakita.

Sa ngayon, mas kumportable ako sa pagkuha sa mga bagay na may kinalaman sa nature at kung minsan ay kumuha din ako ng conceptual, kung baga, sa iba, wala lang pero kung titignan mo ng mabuti at iintindihin ang bawat detalye, isang sining na maituturing.

Sa ngayon, kinukulit ko si ermat na bilhan ako ng SLR, pero kung hindi naman SLR, canon powershot ayos na sa kin. hehe.

Meron na akong mga nakuhanan na ipinost ko na sa deviantart.com, a site where arts meets application.=) Try nyong bisitahin.

Eto ang link:
http://a-free-mind.deviantart.com




Ano'ng batayan?

Kahapon, habang kasalukuyang nageenjoy ako sa pagtanga sa loob ng apat na sulok ng aming bahay, nakatanggap ang kapatid ko ng isang text message galing sa ermat ko. Eto ang nakalagay sa text: "Ian, tell mo sa ate mo, hindi sya pwede sa mercury, hindi nya daw nameet ang criteria nila".

Ha? tama ba'ng narinig ko?. Hindi ako pwede? Bakit hindi?. Sobrang disappointed ako, hindi ako nakapagsalita. Nagisip ako kung anong dahilan, bakit hindi ako pwedeng maging intern sa mercury?

Unang pumasok sa utak ko, eh yung medical ko. Dahil nung ipinasa ko ang requirements ko, dnouble check pa ang medical paper ko, wala daw nakalagay na kung "fit" or "unfit" for internship. Pagkatapos ng interview, sabi lang sa kin na tumawag na lang ako ng tuesday. Kaya pala, hindi pa ako binigyan ng schedule.

Ermat ko na ang tumawag sa kanila at yun na nga ang masamang balita.

Masama lang ang loob ko. Plano ko na yun, na doon ako magoojt, pero hindi napahintulutan dahil lang sa medical record ko o sa kung ano pa man. Pinili ko na ngan hindi sumama sa mga kaibigan ko makapagintern lang ako sa kagalang galang na mercury drug corporation.

Ansaklap.

Pero ayos lang, hindi siguro para sa akin ang pagoojt doon. Ano na ako ngayon? Wala pa rin. kasalukuyan pa rin akong naghahanap ng drugstore para makapagojt. Pero naisip ko lang na bakit ganito ngayon, punong puno ng diskriminasyon ang lahat ng bahay sa paligid.

Hindi na maiwasan. Pero bahala na. May panahon din ako.

Monday, April 02, 2007

Tapos na... Pero may mas lulupit pa.

Finally, my worst sem in my second year as pharmacy student has ended. Ang sem kung saan dumanas ako ng matinding kahirapan at nakakapagod na paghahabol sa mga subjects na sabit lang ang grade ko. Ang sem kung saan lahat ng blockmates ko ay problemado at kabado sa resulta ng bawat periods. Ang sem kung saan sukdulang kinamuhian ang subject na Physics at Organic Chemistry. Ang sem kung saan lumaganap ang grade na 75 below. Ang sem na talagang isinumpa ng mga second years at lalo na ang mga third years.

Nakuha ko na ang grades ko. Mabait talaga ang Diyos sa akin, hindi nya ako pinabayaang lumagapak. At hindi ko rin makukuha ang sumabit na grades ko kung hindi ko rin tinulungan ang sarili ko at sa tulong na rin ng aking mga inspirasyon. Masaya ako dahil wala akong bagsak. Nalagpasan ko ang sem na talagang nahirapan ako, ang sem na nagpahina sa loob ko. Akala ko, matutuluyan na kong magsummer at makukuha ko na ang unang bagsak ko. Pero sa wakas, malakas pa rin ang pwersa ko.


Pero ganon pa man, kailangan ko pa ring maghanda para sa susunod kong taon bilang estudyante ng isang napakahirap na kurso. Tiyak na mas mahirap ang maging third year, ayon na rin sa mga kaibigan kong gulong gulo na sa buhay, ang mga kaibigan kong third year na halos mawalan na ng ulirat sa kakaaral pero sabit lang din ang grado. Mahirap talaga.


Natutunan ko, sa pagtatapos ng sem na ito na, hindi ka dapat magtamad-tamaran kung gusto mo talagang makakuha ng magandang grade. Natutunan kong kailangan mong bawasan ang katamaran sa lahat ng ginagawa para mabilis ang proseso. Natutunan kong dapat hindi ka maging masyadong maging kumportable porket may mga kaibigan ka, kailangan mo ding lumayo minsan at harapin ang pag-aaral. Nalaman kong napakahalaga ng bawat isang subject, bawat isang sem sa buhay ng bawat estudyante sa kolehiyo. Natutunan ko at naranasan kong kabahan ng sobra. Naramdaman ko and pakiramdam ng isang problemado at pakiramdam ng malapit nang umiyak dahil sa hindi na kaya ang ginagawa. Napakahirap.


Sisikapin kong maging masipag at talagang seryoso na sa pag-aaral para hindi ako masyadong mahirapan. Kaya ko pa 'to. Hindi pa ko bibigay. Tatapusin ko na.








current mood: steady
now playing: Nababaliw na ang payaso-Aizo

Thursday, March 08, 2007

Isang miserableng araw

Ano ngayon? Thursday. Oo tama. Napakaraming nangyari kanina. Bago pumasok at bago umuwi. Napakamiserableng araw para sa akin at para din sa taong involved dito.

Unang pangyayari. Umaga, masaya sana akong papasok kaya lang merong insidenteng hindi ko inaasahan. Habang naglalakad ako sa Trini St. papuntang OZ, merong isang mabilis sa motor, mabilis, maingay, na kahit naka-ipod ako narinig ko pa rin. Tuloy lang, maya maya, ilang segundo. Yung mabilis na motor, bigla na lang nawatak ang tunog, lumagabog. Nagmadali akong maglakad para makita ko kung anong nangyare (Chismosa mode). Una kong nakita yung lalakeng nakaupo sa kalsada, tulala, tila natrauma, habang pilit na inaalalayan ng isa pang lalake. Tumingin ako sa kanan, Diyos ko po. Yung motor na narinig ko, ayun, nakahandusay sa kalsada pati na rin ang sakay. Nakakapanghina. Kinabahan akong bigla. Magulo. Nakakakilabot.

Nakita ko yung lalakeng sakay ng motor, nangingisay. Naku. Kinikilabutan talaga ako. Pati yung helmet na suot nya, natanggal sa lakas ng impact. Halos mahigit isang minuto din syang nangisay. Gusto kong lumapit, pero ayoko, nakakatakot. Tinignan ko na lang habang nagtatawag ng tulong yung mga tao. Natulala ako. Iniisip ko kung mabubuhay pa kaya sya. Pagtapos ng ilang minuto, tumigil na sya sa pangingisay. Akala ko wala na, pero salamat, gumalaw ulit. Habang yung lalakeng nakaupo sa kalsada e nandun pa rin. Ayon sa tindera na lumabas, bigla daw tumawid yung lalake, siguro di na napigilan nung ngmomotor dahil diretcho talaga dun, mabilis ang mga sasakyan. Sa ngyon, sino ang mali? Yung nakamotor o yung tumatawid? Ayun ang hindi ko alam. Pero naaawa talaga ako sa lalakeng sakay nung motor. Napakamiserable ng araw na yun para sa kanya. Hindi nya inaasahang sa pagpunta nya sa pupuntahan nya e, makakasalubong nya ang disgrasya. Umalis na rin ako, dahil malalate ako. Habang naglalakad ako, di matanggal ang kilabot ko. Errr...

Pangalawang pangyayari. Walang bago, dahil as usual, bagsak na naman ako sa nakaraang pagsusulit sa Pisika. Lintek talaga, tagilid talaga ang marka ko na hindi ko alam kung paano sosolusyonan. Nakakalungkot. Pero maghahanap pa rin ako ng paraan.

Pangatlong pangyayari. Eto, medyo mababaw lang pero kinoconsider ko na unhappy ang pangyayaring ito dahil may pinaghintay akong tao dahil din sa isang tao. At nagkaproblema din sa mga kaibigan ko.

Pero ganon talaga. Di maiiwasan ang anumang pwdeng mangyare. Kailangan handa. Bukas ang isip. Bukas ang senses.

Sana di na ulit mangyari.

Monday, February 19, 2007

Pwersa ng Musika

* Nitong nakaraang linggo, partikular na ang byernes at sabado, matindi ang naging pag-atake sa kin ng musika. Sunod sunod na salakay ng mga banda ang naranasan ko. Pambihira. Masaya.

Eto ang UNA:

Byernes- - naging magulo man ang mundo ka sa pag-aaral, nalunasan naman ito ng mga bagay na talagang nakakapagparelax ng utak ko. Friday ng umaga, nakatanggap ako ng text message from joey, tntanong kung sasama ako sa kanila. Sabi ko, pagiisipan ko muna dahil wala akong kasama. Nung dumating ang hapon, bago magsimula ang unang exam ko, nakahanap ako ng kasama sa katauhan ni dennis. (haha) actually, d dapat sya kasama kaya lng no choice na e, chaka wala din naman syang gagawin. Pangalawang narecruit ko, si grace, umaga palang tinanong ko na, ayaw e, pero nung hapon, sapilitang pagsama na. Ano nga bang tinutukoy ko?? walang iba, kundi ang UP FAIR. Pagtapos ng klase, umalis kami agad para magbihis, ang haba ng nilakbay namin papunta sa bahay nila grace, traffic kasi. nakarating kami sa UP, siguro mga past 7pm na, andaming tao. tambay muna kami sa labas, kumain, habang naghihintay ng mga kasama.

Pagtapos namin kumain, nagdecide kaming umupo muna sa malawak na damuhan ng Sunken Garden. Haay, ansarap huminga, malawak, malamig. Habang nakaupo kaming tatlo, nagpicture picture, nagtawanan, nagusap tungkol sa mga dumadaan at naghintay. Tangna, alas9 na ata wala pa? lowbat na ko, badtrip na ko sa hinihintay namin. Sabay may nagtext, "San na kayo? Dto na kami loob". Waw naman, pagtapos naming maghintay, kami din pala maiiwan. Ayun, bumili na kami ng ticket at nakapasok na. Takte, dagsa ang tao sa loob. Sumiksik at Sumingit kami hanggang makarating sa mejo gitna. Text, text. Hanggang makita namin yung isang nagpahintay sa min. Sa wakas, nahagilap din.

Andaming tao. Iba't ibang klase. Iba't ibang ugali. Iba't ibang suot. Iba't ibang kung ano pa man. May magkakabarkada, may mga magisa lang, may mga magsyotang ginawang motel-slash-parke ang fair, walang pakundangan kung maghalikan sa palibot ng napakaraming tao. Mga walang modo. Huy! Sa motel yan, hindi dito sa fair. Tangna, isa pa sa mga nagpapagulo ng gabi, yung mga tangnang mga lalake na nakaitim, na feeling nila mga rakista, matapos magkagulo sa gitna, lalakad lakad ng pawisan, tapos didikit sayo, adik talaga. Tapos, hindi maawat na batuhan ng bote ng mineral water, tangna, mismong mga banda na ang sumasaway e ayaw pa ring tumigil? Hindi saya ang dulot e, perwisyo. Nagpunta na lng sana sila sa rally para walang issue ang batuhan.

Okay naman yung gabi ko, masaya, punong puno ng musika. Binuhay ang gabi ko ng Aizo, Typecast, Kamikazee, Parokya ni Edgar, Mayonnaise, Mojofly, Itchyworms, Soapdish, Sibuyasonline,Kampay, at marami pang iba. At hindi ko makakalimutan ang unang nood ko ng live sa Silent Sanctuary, anlupit ni Chino. Tangna, nakakabilib. Sayang nga lang yung iba jan, yung kasama ko, hindi napanood, pano umuwi na kasi! hahaha/. Beh!=) magsisix o'clock ng umaga natapos. Takte, anlamig. Ayun nakauwi ako, around 8am na. Masaya. Sobra. Pabihirang experience kasama ang barkada. Sa uulitin. Ulit.


* I just had 3 hours of sleep. Kasi kailangan kong gumising ng 11:30 para magprepare at magpractice ng violin para sa klase ko ng 1:00. Buti na lang di ako nahilo. Pagtapos ng klase ko, pahinga sandali, tapos ligo dahil may lakad ulit.


Eto ang PANGALAWA:

Saturday- - Pagtapos ng klase ko sa violin, pahinga tapos puntang Mall of Asia para umattend ng RockEd event. Kasama sya sa program ng SMIIC fair, wherein kasama rin ang Adamson University. Nalaman ko tong event na to dahil ipinaalam sa kin ni Ate Nivene, nagdonate ako ng books, tapos binigyan nya ko ng passes. Ayos, ibang feeling pag alam mong makakatulong ka sa mga batang may kakulangan sa libro.

Mga banda ulit. Pangalawang atake na to. Featuring ang mga banda ng Terno Recordings: Blazing bulalakaws, Outerhope. Paramita, Swissy, Up dharma down at Giniling Festival. Ang angas, ang galing. Kitang kita ko, dahil nasa unahan talaga ko. haha. Astig, nakilala ata ko ni Kuya Pol ng udd,haha. ang astig ni Ria, at napakapambihira ng Giniling festival!. Ansaya talaga.

Pagtapos ng event, umuwi na ko. Nakita ko sila Lec, jebs ng Giniling Fest, naglalakad, nagaabang ng taxi. Haha. Ang hirap talaga kumuha ng taxi dun, ako din nahirapan, 11:30 na ako nakasakay, kakahintay ng taxi. Pero ayos talaga.


__ Eto yung ilan sa mga kuha ko ng mga banda:



Blazing Bulalakaws



Outerhope



Paramita




Up dharma down


Giniling Festival



Marami pang pictures, just go to this link:

KHONISTA.MULTIPLY.COM




Mabuhay ang Musikang Pinoy. OPM rocks! Steady lang =)

Tuesday, February 06, 2007

Fuchsiang Pag-ibig



Fuchsiang Pag-ibig. Ang napakaganda at napamakabuluhang album ng bandang Silent Sanctuary. Nakakapagbigay inspirasyon, nakakapagpaiyak, nakakapagpasaya, nakakapagpaLSS, at lahat na ng emosyon na kaya mong ilabas kapag napakinggan mo ang mga kanta.

1. Rebound - - para sa mga taong "5 araw" lang e iniwan na. hahaha =) masarap pakinggan lalo na pag nakaheadphones o nakaheadseat (anong koneksyon?) -ah basta. para 'to sa mga nabigo. maangas. maganda.

2. Sandali lang - - ansakit ng kantang to, lalo na yun simula. "wala na kong magagawa"...



3. Ikaw Lamang - - eto, para sa mga inlove. ayos na ayos.


4. Kundiman - - "para kang asukal, sintamis mong magmahal".. awww.. maiinlove ka pag kinantahan ka nito. hahaha.



5. Ingat Ka - - "wag masyadong magpupuyat" (eto para kay ano... ummm! matulog ka naman..)

6. Pink 5ive - - eto masaya.

7. For tonight - - awww. para to kay "labo".. 'tonight like birds we'll fly'

8. Parol - - eto ayos lang. haha

9. Kismet - - eto talaga, masakit na kanta. "And i'll drive for 2 hours, to bring Butterfingers"

10. Nagtahan - -okay lang to.

11. Summersong - - eto ayos na ayos. haha. may rap! haha

14. 14 - - ok lang.

Kung ako sayo? Ba't di ka pa bumili? haha (Nagendorse?). Astig talaga. lagi kang LSS. tsk, sinasabi ko. hahaha.


Pasensya na

*Blog, pasensya na kung 'di kita nalalagyan ng bagong post nitong mga nakaraang linggo.
Haaayyy. Masyado akong naging busy, sabay-sabay ang mga gawain, na halos lahat e para sa pag-aaral. Talagang bunuan na 'to sa pag-aaral. Magmula sa thesis na papalit-palit at di mapagdisisyunang topic, mga reports at presentation na walang humpay, midterm exams na walang pakundangang ibinibigay ng mga professors kahit alam nilang foundation namin. Ayos talaga. Lusaw na utak ko pagtapos ng sem na 'to.
Sumabay ang pagppractice para sa canticle at paglelesson ko sa byolin. Tambak at patong-patong. Buhay nga naman.
......

Monday, December 25, 2006

Blogthings

Blogthings, Cool things to put in your blog. I found this through my friend, I tried and found it cool and nice. Here are some of my selected quests:

Your Brain's Pattern

Your mind is a creative hotbed of artistic talent.
You're always making pictures in your mind, especially when you're bored.
You are easily inspired to think colorful, interesting thoughts.
And although it may be hard to express these thoughts, it won't always be.



Your Power Color Is Teal

At Your Highest:

You feel accomplished and optimistic about the future.

At Your Lowest:

You feel in a slump and lack creativity.

In Love:

You tend to be many people's ideal partner.

How You're Attractive:

You make people feel confident and accepted.

Your Eternal Question:

"What Impression Am I Giving?"



Your Dominant Intelligence is Musical Intelligence

Every part of your life has a beat, and you're often tapping your fingers or toes.
You enjoy sounds of all types, but you also find sound can distract you at the wrong time.
You are probably a gifted musician of some sort - even if you haven't realized it.
Also a music lover, you tend to appreciate artists of all kinds.

You would make a great musician, disc jockey, singer, or composer.








You Are 80% Psychic

You are so very psychic.
But you already predicted that, didn't you?
You have "the gift" - and you use it daily to connect with others.
You're very tapped into the world around you...
Just make sure to use your powers for good!
Your Taste in Music:

Adult Alternative: High Influence
R&B: High Influence
90's Alternative: Low Influence
90's R&B: Low Influence
90's Rock: Low Influence



You Are a Frappacino

At your best, you are: fun loving, sweet, and modern

At your worst, you are: childish and over indulgent

You drink coffee when: you're craving something sweet

Your caffeine addiction level: low



Your Band Name is:

The Pink Pickles



Maroon 5 Shares Your Taste in Music


See their whole playlist here (iTunes required)




Yan na lang muna, hahaha. dami. they're cool. try it:





Blogthings.com